
Aminado si dating House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na kahit masakit para sa kanyang pamilya ay iginagalang niya ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa kanyang katatapos na State of the Nation Address (SONA), inihayag ni Pangulong Marcos ang plano ng Ombudsman na sampahan ng patung-patong na reklamo o kaso ang kanyang pinsan na si Romualdez kaugnay ng flood control scandal.
Binanggit din ni Pangulong Marcos na masakit man, hindi lamang siya pangulo ng kanyang pamilya at mga kaibigan kundi ng buong bansa, at ang kanyang tungkulin ay para sa mga Pilipino.
Diin ni Romualdez, kailanman ay hindi siya humingi ng pabor o espesyal na pagtrato.
Sang-ayon din si Romualdez na gawin ang tama, na sundin ang proseso at hayaang ang ebidensya ang magsalita.
Muling nanindigan si Romualdez na wala siyang ginawang anumang labag sa batas at handa niya itong patunayan.










