P1,000 incentives, matatanggap na ng mga guro para sa Teachers’ Month ayon sa DepEd

109

Matatanggap na ng mga guro at kawani ng Department of Education (DepEd) ang isang libong pisong incentives.

Ayon kay DepEd Spokesman Atty. Michael Poa, pinoproseso na nila ang naturang incentives upang maibigay na ito sa mga guro at kawani.

Ang naturang incentives ay taunang ibinibigay kaalinsabay ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month mula September 5 hanggang October 5.


Aminado si Poa, maliit lamang ang nasabing halaga ngunit isa lamang ito sa paraan ng Kagawaran para pasalamatan ang mga guro na nagbibigay ng kanilang dedikasyon para mabigyan ng edukasyon ang mga kabataan.

Samantala, dadaluhan naman ni Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte-Carpio ang gagawing selebrasyon ng National Teachers’ Month sa October 5.

Facebook Comments