Nakatanggap ng libreng fresh milk ang mga kindergarten at Grade 1 pupils sa 50 pampublikong paaralan sa Bayambang bilang bahagi ng programang pangnutrisyon na ipinatupad kamakailan.
Ayon sa Municipal Nutrition Action Office, umabot sa 3,874 na mag-aaral ang benepisyaryo ng programa na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Bayambang Dairy Farm ng Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc. (KKSBFI).
Ang ipinamahaging fresh milk ay mula sa Bayambang Dairy Farm ng KKSBFI at inihatid sa mga paaralan bilang bahagi ng hanggang sampung araw na pamamahagi.
Layunin ng programa na makatulong sa pagpapabuti ng nutrisyon ng mga bata at masuportahan ang kanilang malusog na paglaki at pagkatuto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments