Friday, July 17, 2026

UMANO’Y PANGHOHOLDAP SA ISANG TINDAHAN SA BONUAN GUESET, DAGUPAN CITY, KUHA SA CCTV

Kuha sa CCTV footage ang umano’y panghoholdap ng isang indibidwal sa isang tindahan sa Bonuan Gueset, Dagupan City, madaling araw ng July 11, 2026.

Sa ibinahaging footage ng isang netizen, kita ang ang pagpasok ng suspek sa loob ng tindahan at panunutok nito ng patalim sa nagbabantay sa tindahan. Tinangay nito ang kinita ng tindahan saka tumakas.

Kita rin sa footage ang takot ng nagbabantay sa tindahan at wala nang nagawa matapos na tangayin ng suspek ang pera.

Batay rin sa kuha ng surveillance camera, nakita umanong pumasok at lumabas ang suspek sa Perrenians Street sa Bonuan Gueset.

Hinihikayat ang sinumang may mahalagang impormasyon na makipag-ugnayan sa numerong 0998-968-6870 upang makatulong sa pagkilala at pagkakaaresto sa suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments