Ayon kay Soverano, isang mangingisda sa Pantal, malaking hamon para sa kanila ang hindi makapalaot dahil pangingisda lamang ang kanilang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan.
Noong Hulyo 6, muli silang nakapalaot matapos ang ilang araw na paghihintay.
Gayunman, sinabi niyang hindi naging maganda ang resulta ng kanilang pangingisda dahil kakaunti lamang ang kanilang nahuli. Aniya, kadalasan ay galunggong lamang ang kanilang nahuhuli, habang bibihira naman ang bangus.
Samantala, apektado rin ang mga nagtitinda ng isda sa pamilihan ng Dagupan.
Ayon sa kanila, tumaas ang presyo ng kanilang kinukuhang isda dahil sa limitadong suplay.
Sa kabila nito, nananatiling matumal ang bentahan, dahilan upang lalo silang mahirapan sa kanilang kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








