Halos 50 patay sa hagupit ng typhoon Hagibis sa Japan

Itinuturing na ‘brutal’ ang iniwang pinsala ng typhoon Hagibis sa Japan.

Umakyat na kasi sa 49 na katao ang nasawi, 200 sugatan at 14 ang nawawala.

Nadulot ng malawak na pagbaha at landslides, at maraming gusali itong pinadapa.


Higit 110,000 personnel na ang nagsasagawa ng search and rescue operations.

Nasa 230,000 katao na ang inilikas.

Marami pa ring lugar ang walang kuryente.

Pero lahat ng bullet train systems ay balik-serbisyo na maliban sa Nagano na lubog pa rin sa baha.

Facebook Comments