
Itinanggi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR (https://en.wikipedia.org/wiki/Department_of_Environment_and_Natural_Resources)) na may ipinag-utos si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspindehin ang operasyon ng Davao City sanitary landfill.
Nauna na kasing kumakalat ang balita ipinatigil ng pangulo ang pagkolekta ng basura upang madumihan ang Davao City.
Maging ang harap ng DENR ay naging tambakan na ng basura matapos na ipag-utos
ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na gawing collection point ang labas ng tanggapan ng DENR Region 11.
Ayon sa DENR, mali at mapanlilang bintang.
Ang pagsuspinde sa Davao City sanitary landfill ay inisyu noong May 21,2026 ng DENR region 11 dahil sa nangyaring trashslide o pagguho ng bundok ng basura noong May 200 kung saan may 15 na kabahayan ang natabunan
Aabot na sa dalawa katao ang patay, dalawa ang nasugatan habang isa pa ang pinaghahanap matapos ang malagim na pagguho ng landfill.
Nanindigan ang DENR region 11 na ang suspension order sa Davao City sanitary landfill ay aalisin lamang kapag natugunan na ang lahat ng kinakailangang hakbang para sa safety at engineering intervention.
Layon nitong tiyaking maayos at ligtas ang nagpapatuloy pa ring retrieval operations at para masuportahan ang evacuation, at protektahan ang mga manggagawa at mga kalapit na komunidad.
Sa imbestigasyon ng DENR, kinakitaan ng mga paglabag ang nabanggit na sanitary landfill.
Ang paglilinaw na ito ay ginawa ng ahensya, matapos ang pagkabahala ng Davao City mayor na maaring humantong sa mas matinding problema sa kalinisan at kalusugan dahil sa naiimbak nang basura sa lungsod.










