HANDA NA | PNP nakahanda na sa pagsalakay sa bodega ng mga mapapatunayang rice hoarders at kartel ng bigas

53

Manila, Philippines – Hinihintay na lamang ng Philippine National Police (PNP) ang pormal na direktiba para ikasa ang kanilang gagawing pag-iikot sa mga bodega ng bigas sa bansa.

Pahayag ito ni PNP Spokesman Senior Superintendent Benigno Durana matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasasalakay nito ang mga kamalig ng mga mapatutunayang rice hoarders at sangkot sa kartel ng bigas.

Binigyang diin ni Durana na ang kanilang mandato sa sambayanang Pilipino ay pangalagaan ang interes nito kaya naman gagawin nila kung ano ang makabubuti para sa mas nakararami.

Ngunit nilinaw ng opisyal na ang pagtugon sa problema sa bigas ay hindi lamang nakaatang sa PNP kung hindi ito ay tinatawag na whole government approach kaya at susuporta lamang sila sa kung ano ang magiging hakbang ng mga kinauukulang ahensyang may hurisdiksyon dito.

Matatandaang ginawa ng Pangulo ang pahayag dahil sa nararanasang krisis sa bigas sa Zamboanga-Basilan-Sulu-Tawi-Tawi area at ang suhestyon ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ay gawing ligal ang rice smuggling pero tinutulan ito ng Pangulong Duterte.

Facebook Comments