Saturday, June 6, 2026

Inflation sa buwan ng Mayo, bumagal — BSP

Kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagbagal ng inflation sa bansa sa nakalipas na buwan.

Ayon sa BSP, mula sa 7.2 percent nitong Abril, pumalo na lamang sa 6.8 percent ang inflation nitong Mayo.

Inihayag ng BSP na bunga ito ng pagbaba ng presyo ng petroleum products.  

Binigyang-diin pa ng BSP na ang inflation rate nitong Mayo ay higit na mababa sa kanilang forecast range na 7.1 percent hanggang 7.9 percent.

Sa kabila nito, iniulat ng BSP na mataas naman ang naitala nilang
Average inflation mula January hanggang Mayo na pumalo sa 4.5 percent.

Ito ay mula anila sa kanilang target na 3.0 percent para sa taong ito.

Facebook Comments