Hanggang tatlong piso kada litrong rollback sa diesel at kerosene, nakaamba muli sa susunod na linggo, ayon sa DOE

96

Good news para sa mga motorista!

Asahan na naman ang panibagong bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa isang panayam, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Atty. Rino Abad, posibleng magtapyas ng P2.50 hanggang P3.00 sa kada litro ng diesel, habang P3.00 naman ang rollback sa kada litro ng kerosene.


Wala pa naman aniya kasiguruhan kung may bawas o dagdag sa presyo sa kada litro ng gasolina.

Ito na ang ikatlong sunod na linggong bawas-presyo sa mga produktong petrolyo at ipinatutupad ito tuwing araw ng Martes.

Facebook Comments