Saturday, August 29, 2026

Ambuklao at Binga Dam, nagpakawala pa ng mas maraming tubig dahil sa pag-uulan dulot ng habagat

Itinodo pa ng Ambuklao at Binga Dam sa Benguet ang pagpapakawala ng tubig dahil sa patuloy na pag-uulan dulot ng Southeast Monsoon o ng Hanging Habagat.

Sa inilibas na monitoring ng Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST – PAGASA), apat na gate na ang binuksan sa Ambuklao Dam na umabot na sa 301.57 cubic meters per second ang pinakawalan nito.

Habang anim naman na gate na ang binuksan sa Binga Dam at ito ay nag-discharge ng umabot sa 454.94 cubic meters per second ng tubig.

Samantala, kagabi ay nagsimula na ring magpakawala ang Ipo Dam na umakyat na sa 101.8 meters ang water level, dalawang sentimetro na lamang mula sa 101.10 meters na normal na lebel nito.

Ang Angat Dam naman ay umakyat na sa 194.60 meters ang water elevation ngunit mababa pa ito sa 210 meters na normal nitong water elevation.

Facebook Comments