Heart Evangelista, bibida sa panibagong romantic comedy series sa kapuso network

Manila, Philippines – Excited na si Heart Evangelista sa panibagong romantic comedy series na pagbibidahan nito sa kapuso network.

Ang “My Korean Jagiya” na mismong sa Korea pa gagawin ang taping kasama ang ilang stars na sina Iya Villania, Vallen Montenegro, Jinri Park, Ricky Davao, Janice De Belen at ang nagbabalik na kapuso actor na si Edgar Allan Guzman.

Ibinahagi din ni Heart ang ibang paghahanda na kaniyang ginagawa para sa nasabing teleserye lalo na’t ipapakita nila dito ang iba’t-ibang tradisyon ng korea tulad ng shopping, OOTD (Outfit of the Day) at mga pagkain.


Sa ngayon, tutok muna daw si Heart sa fantaserye at reality show nito habang inaantay pa ang date ng taping nito.

Facebook Comments