LIBRENG THEORETICAL DRIVING COURSE, HATID NG CHO AT LTO SAN CARLOS

Ang City Health Office, katuwang ang Land Transportation Office San Carlos City, ay magsasagawa ng libreng Theoretical Driving Course para sa mga nagnanais maging lisensyadong driver ngayong weekend.

Gaganapin ang aktibidad sa Caoayan-Kiling Multi-Purpose Gym katabi ng barangay hall simula alas-8 ng umaga sa Sabado at Linggo.

Ayon sa mga organizer, bukas ang programa para sa lahat ng aspiring drivers at ito ay first come, first served basis lamang. Nilinaw rin na limitado sa 100 slots ang maaaring makalahok sa naturang libreng seminar.

Hinihikayat ang mga interesadong residente na maagang pumunta upang makakuha ng slot at makadalo sa kinakailangang theoretical driving course na isa sa mga pangunahing requirement sa pagkuha ng driver’s license. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments