Tuesday, April 21, 2026

APAT, ARESTADO SA ILEGAL NA TUPADA SA SAN CARLOS CITY

Arestado ang apat na indibidwal matapos maaktuhang sangkot sa ilegal na tupada sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng San Carlos City Police Station (CPS).


‎Ayon sa ulat, naaktuhan ng mga awtoridad ang mga suspek habang nagsasagawa ng sabong nang walang kaukulang permit, na paglabag sa Presidential Decree 449 o “Cockfighting Law.”

‎Ang mga naaresto ay kinabibilangan ng apat na kalalakihan na pawang residente ng San Carlos City, na may edad 50 hanggang 67 anyos.

‎Nakumpiska mula sa kanilang pag-iingat ang isang buhay at isang patay na panabong na manok, dalawang piraso ng tari at halagang ₱2,050 na pinaniniwalaang pusta sa nasabing ilegal na aktibidad.

‎Dinala ang mga suspek kasama ang mga nakuhang ebidensya sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments