LALAKI, NASAWI MATAPOS MAHULOG SA CREEK ANG MINAMANEHONG MOTORSIKLO SA URDANETA CITY

Nasawi ang isang 40 anyos na lalaki matapos mawalan ng kontrol sa menamaneho nitong motorsiklo dahilan upang ito’y dumiretsong mahulog sa creek sa Brgy. Dilan-Paurido, Urdaneta City.

‎Ayon sa Urdaneta City Police Station, nawalan ng kontrol ang biktima habang minamaneho nito ang motorsiklo. Agad naman narespondehan ng kinauukulan ang insidente matapos itong maireport sa kanilang himpilan.

‎Ayon rin umano sa kaanak, may history ng hypertension ang biktima na siyang isa nakikitang dahilan.

‎Posible umanong inatake ang biktima ng hypertension dahilan upang mawalan ito ng kontrol at dumeretsong mahulog sa nasabing creek.

‎Sa kasamaang palad, idineklarang dead on arrival ang biktima at ngayo’y nilalamayan na ng kaanak.

‎Nagpaalala naman ang awtoridad sa mga motorista ukol sa pag-iingat sa pagmamaneho at magdala ng inuming tubig upang maiwasan ang iba’t-ibang karamdaman tulad ng pagkahilo at dehydration dahil sa init ng panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments