
Posibleng bumalik na ng bansa ngayong weekend sina Senate Minority Alan Peter Cayetano at Senator Pia Cayetano.
Ito ang sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa naging panayam dito sa Senado.
Ayon kay Matibag, mayroon siyang impormasyon na posibleng bukas ng gabi o Linggo ng gabi ang pag-uwi sa bansa ng magkapatid na Cayetano.
Sinabi ni Matibag na wala naman siyang nakikitang problema tungkol sa pag-alis ng bansa at pagbabakasyon ng mga Cayetano sa Singapore.
Gayunman, hindi lang maiaalis ng NBI director ang pagdududa ng taumbayan sa timing ng pag-alis ng mga Cayetano na nataon pang may isyu ito kaugnay sa iregularidad ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games.
Kasama rin ng magkapatid na umalis ng bansa ang maybahay ni Sen. Alan na si Taguig Mayor Lani Cayetano.
Dagdag ni Matibag, ongoing pa ang kanilang imbestigasyon sa ₱55 million cauldron na ginamit sa 2019 SEA Games na sinasabing overpriced at nagkaroong ng “double payment” na iniuugnay kay Cayetano.










