
Pinuri ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang mga Pilipinong guro at school leaders matapos umangat ang performance ng Pilipinas sa 2025 Programme for International Student Assessment (PISA).
Mensahe ito ni Dy kaugnay sa National Teachers’ Month kung saan nataon din ang pagkamit ng ating bansa ng mataas na score sa Reading, Mathematics, at Science.
Sabi ni Dy, malaking bahagi ng progresong ito ay ang mga guro na araw-araw nagtuturo, gumagabay, at nagsasakripisyo para sa ating mga kabataan.
Pinuri din ni Dy si Education Secretary Sonny Angara at ang suporta ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bagama’t nagdiriwang ay iginiit naman ni Dy na marami pang kailangang gawin upang mas mapataas ang kalidad ng edukasyon at ang progreso at maka-abot sa bawat silid-aralan at bawat batang pilipino.
Giit ni Dy, mahalagang magtulungan ang pamahalaan at Kongreso sa pagpapatupad sa mga reporma, programa, at paglalaan ng pondo na kailangan ng mga guro, mag-aaral at pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon.










