
XXSArestado ang 55 umano’y illegal wildlife traders sa magkakahiwalay na operasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.
Kasabay nito, 394 wildlife at exotic species ang nasamsam sa 71 enforcement operations sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Kabilang sa mga nakumpiska ang 224 na ibon, 97 reptiles, 54 amphibians, 10 mammals, at siyam na arachnids at insects.
Nasa listahan din ng mga nasamsam ang cockatoo, macaw, iguana, gecko, ahas, tarantula, binturong at gibbon.
Ayon kay Environment Secretary Juan Miguel Cuna, patuloy na paiigtingin ng DENR ang kampanya laban sa wildlife poaching at iligal na bentahan at pag-aari ng mga ligaw na hayop.
Paalala ng DENR, bawal ang panghuhuli, pag-aari, pagbibiyahe at pagbebenta ng wildlife nang walang kaukulang permit.










