Saturday, September 12, 2026

Bagong batas na nagpapalawig sa Tertiary Education Subsidy, tiyak magbibigay ng oportunidad sa mga kabataang Pilipino

Buo ang pag-asa ni Albay 3rd District Representative Raymond Adrian Salceda na may mabubuksang bagong mga oportunidad para sa mga mahihirap na estudyante at kanilang mga pamilya.

Sinabi ito ni Salceda kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Republic Act No. 12325 na nagpapalawig sa Tertiary Education Subsidy (TES).

Sa ilalim ng pinalawig na Universal Access to Quality Tertiary Education Act ay otomatikong isasama sa mga benepisaryo ng TES ang mga mahihirap na estudyante kabilang din ang mga nasa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ito ay sa oras na maging kwalipikado sila na makapasok sa mga institutions na kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED) o mga technical-vocational institutions na pinapatakbo ng gobyerno.

Sabi ni Salceda, tugon ang pinalawig na TES sa problema ng mga mahihirap na pamilya sa pamasahem baon, school supplies at iba pang gastusinng kanilang mga anak sa kolehiyo.

Facebook Comments