Saturday, September 12, 2026

Awtomatikong toll relief kapag may pagbaha at iba pang trahedya, isinulong sa Kamara

Isinulong ni Senior Citizens Party-list Representative Roldolfo Ompong Ordanes ang awtomatikong pagpapatupad ng toll relief kapag may matinding pagbaha at iba pang trahedya tulad ng aksidente at pinsala sa imprastraktura.

Nakapaloob ito sa inihain ni Ordanes na House Bill 11130 o panukalang batas na nagtatakda ng diskwento o libreng toll fee, credits, refunds, o adjustments sa electronic toll accounts.

Inaatasan ng panukala ang Toll Regulatory Board na maglatag ng malinaw at iisang pamantayan sa pagpapatupad ng automatic toll relief.

Nakapaloob din sa panukala ni Ordanes ang pagkakaloob ng roadside and emergency assistance lalo na sa mga senior citizens, persons with disabilities (PWD), mga bata, buntis at nangangailangan ng medikal na atensyon.

Layunin ng panukala ni Ordanes na hindi na maulit ang ilang araw na perwisyong naranasan ng mga motorista kamakailan sa North Luzon Expressway (NLEX) dahil sa matinding pagbaha na sanhi dulot ng Habagat.

Facebook Comments