HIGIT 2,000 MAG-AARAL SA TAYUG NATIONAL HIGH SCHOOL, NAKATANGGAP NG EDUCATIONAL ASSISTANCE

Kabuuang 2,554 mag-aaral ng Tayug National High School ang nakatanggap ng educational assistance mula sa Lokal na Pamahalaan ng Tayug sa ikaapat na araw ng pamamahagi ng tulong pang-edukasyon.

Batay sa inilabas na impormasyon ng lokal na pamahalaan, kabilang sa mga benepisyaryo ang mga mag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 10.

Sa kabuuang bilang, 573 ang mula sa Grade 7, 723 sa Grade 8, 714 sa Grade 9, at 544 naman sa Grade 10.

Layunin ng programa na makatulong sa gastusin sa pag-aaral ng mga mag-aaral at mapagaan ang pinansiyal na pasanin ng kanilang mga pamilya.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ito ng patuloy na pagsusulong ng mga programang pang-edukasyon upang masuportahan ang kabataan at mahikayat silang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments