Ito ay matapos lagdaan ni Mayor William S. Cezar noong Oktubre 29 ang Executive Order No. 94, Series of 2026, na nagbabawal sa pagbebenta, pagbili, paghahain at pamamahagi ng anumang uri ng inuming nakalalasing.
Ipatutupad ito mula alas-dose ng hatinggabi hanggang alas-11:59 ng gabi sa Linggo.
Ipinagbabawal din ang pagpayag sa pagpasok sa mga pampubliko at pribadong sementeryo ng mga taong nasa ilalim ng impluwensiya ng alak.
Inatasan naman ang mga pulis, barangay officials at Civilian Volunteer Organizations o CVOs na mahigpit na bantayan at ipatupad ang kautusan, at umaksyon laban sa mga lalabag dito alinsunod sa umiiral na batas at ordinansa.
Ayon sa lokal na pamahalaan, target nitong maiwasan ang mga insidente na iniuugnay sa pag-inom ng alak para matiyak ang ligtas na pagdalaw ng mga pamilya sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
###
LTO REGION 1, PINAIGTING ANG INSPEKSIYON SA MGA SASAKYAN AT TERMINAL BILANG PAGHAHANDA SA UNDAS 2026
Pinaigting ng Land Transportation Office o LTO Region 1 ang kampanya para sa ligtas na pagbibiyahe ngayong Undas 2026, kasabay ng pagdami ng mga motorista at pasahero.
Sa paglahok nito sa Kapihan sa Ilocos na pinangunahan ng Philippine Information Agency noong Oktubre 29, ipinaliwanag ng LTO ang pagpapatupad ng Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2026 na nagsimula noong Oktubre 23 at magtatapos sa Nobyembre 4.
Kabilang sa mga hakbang ang inspeksiyon sa mga sasakyan at terminal, pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police, at pamamahagi ng information materials para sa responsableng pagmamaneho at pagsunod sa batas-trapiko.
Layon ng programa na maiwasan ang mga aksidente at matiyak ang mas ligtas at maayos na biyahe ng mga pasahero at motorista sa panahon ng Undas.
Paalala ng LTO sa mga bumibiyahe na siguraduhin ang maayos na kondisyon ng sasakyan, maging responsable sa pagmamaneho, at laging sumunod sa mga batas-trapiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








