Higit 250 na nabiktima ng large-scale illegal recruitment, natulungan sa “special jobs fair” ng Department of Migrant Workers

56

Aabot sa mahigit 250 na katao na biktima ng large-scale illegal recruitment ang naserbisyuhan sa isinagawa ng Department of Migrant Workers (DMW) na “special jobs fair”.

Kabilang sa mga inalok na trabaho ay cleaner, carpenter, housekeeper, kitchen at restaurant workers at hairdresser sa New Zealand, Qatar, Saudi Arabia at Japan.

Nagkaroon din ng free legal assistance para sa mga nais maghain ng kaso laban sa kanilang mga illegal recruiter.


Ayon sa DMW, karamihan sa mga nabigyan ng tulong ay mga biktima ng illegal recruitment mula sa Davao City.

Facebook Comments