HIGIT 2K PANGASINENSE NAKATAKDANG KUMUHA NG PAGSUSULIT PARA SA CRIMINOLOGY LICENSURE EXAM

28
Aabot sa 2, 290 Pangasinense ang nakatakdang kumuha ng pagsusulit sa tatlong araw na Criminology Licensure Examination sa June 12-14.
Isasagawa ang examination sa Rosales, Pangasinan: Rosales National High School, Rosales North Central School, Rosales South Central School, Carmay Elementary School, Casanicolasan Elementary School, Tomana Elementary School, Carmen Elementary School, Robert B. Estrella Memorial National High School, Guiling-Coliling Elementary School, and Guiling-Coliling National High School.
Nagpaalala si Ilocos PRC Regional Director Atty. Arl Ruth Sacay-Sabelo sa mga examinees na dalhin ang kanilang Notice of Admission (NOA), pencil no. 2, isang long brown envelope, isang long transparent at non-colored plastic envelope, informed consent form and health declaration checklist, pagkain at tubig.

Para sa mga kukuha ng pagsusulit na may katanungan maaring mag-iwan ng mensahe sa ro1.lrd@prc.gov.ph o ro1.examination@prc.gov.ph. | ifmnews
Facebook Comments