Anti-bullying, suicide prevention, bomb threat awareness, at iba pang usaping pangkaligtasan ang ibinahagi sa mga estudyante sa Dagupan City noong Setyembre 15, 2026.

Pinangunahan ng City Mobile Force Company (CMFC), katuwang ang isang paaralan at iba pang ahensya ng pamahalaan, ang talakayan ukol sa Community Anti-Terrorism Awareness (CATA) at Knowing the Enemy (KTE).

Kabilang sa mga lumahok ang NAPOLCOM City Officer, mga tauhan ng City Explosive and Canine Unit (CECU) ng Dagupan City, at Women’s Center of Dagupan City.

Itinuro sa mga estudyante ang mga paraan para makaiwas at makatugon sa bullying, mga usaping may kaugnayan sa suicide prevention, at mga dapat malaman tungkol sa bomb threats at iba pang banta sa kaligtasan.

Kasama rin sa lecture ang impormasyon tungkol sa community anti-terrorism awareness at KTE bilang bahagi ng pagtalakay sa mga posibleng banta sa komunidad.

Isinagawa ang aktibidad upang dagdagan ang kaalaman ng mga estudyante tungkol sa mga panganib na maaari nilang harapin sa paaralan at komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments