
Bago ang inaasahang BARMM Parliamentary Elections ngayong araw ay may naitalang pagsabog sa Purok Amirol, MB Kalanganan, Cotabato City kahapon ng alas-8 ng gabi.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, ang biktima ay dumating umano sa nasabing lugar dahil hinihintay nito ang kanyang construction foreman.
Nang makita niyang umabo ang isang liwanag at bigla na lang sumabog.
Dito na nagtamo ng malubhang sugat ang nasabing biktima.
Inaalam naman na ng awtoridad ang rason sa nasabing pagpapasabog pati na kung sino ang nasa likod nito.
Facebook Comments










