Higit 300 Motorcycle Accident, Naitala ng Rescue 922

14
Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng kabuuang 313 na road accident ang Cauayan City Rescue 922 as of July 30, 2022.

Batay sa kanilang inilabas na datos, isandaan at pitumpu’t anim (176) na mga motorcycle rider ang nasangkot sa aksidente dahil sa nakalalasing na inumin.

Isang daan at pitumpu’t pito (177) ang walang suot na helmet ng maaksidente habang labing-dalawa (12) rider ang naaksidente na nagresulta ng pagkamatay.

Paalala ng Rescue 922 sa lahat ng motorista na iwasan ang uminom ng alak at magtext upang makaiwas sa anumang hindi inaasahang aksidente.

Facebook Comments