Monday, November 23, 2026

Palasyo, umaasang itutuloy ng susunod na administrasyon ang mga programa para sa mga magsasaka

Hiniling ng Malacañang sa mga susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang mga proyekto sa irigasyon upang matiyak ang sapat na suplay ng pagkain at matulungan ang mga magsasaka.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, mahalagang magkaroon ng tuloy-tuloy na programa sa irigasyon dahil nakatutulong ito sa pagpapataas ng produksyon ng mga magsasaka.

Sinabi ni Castro na sunod-sunod ang pagbubukas ng mga bagong irigasyon sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Umaasa rin ang Palasyo na ipagpapatuloy ng susunod na mga liderato ang pagbibigay ng makinarya, cold storage facilities at abono sa mga magsasaka.

Layunin nitong mapalakas ang agrikultura at matiyak ang sapat na pagkain sa bansa.

Facebook Comments