Higit 40 myembro ng BIFF sa Cotabato, nagbalik loob sa pamahalaan

Kusang loob na sumuko ang 43 myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) pati ang commander nito sa ilalim ng Karialan Faction sa 90th Infantry (Bigkis-lahi) Battalion sa Kabacan, Cotabato.

Ayon kay Lieutenant Colonel Rommel Mundala, Battalion Commander ng 90IB nasa 34 samot-saring armas at siyam na high explosives ammunitions ang sabay na isinuko rin ng mga rebelde.

Sinabi ni Col. Mundala na napag-isip-isip kasi ng mga ito na mamuhay na lamang ng normal kasama ang kani-kanilang mga pamilya.


Kaugnay nito, muling panawagan ng JTF Central at 6th Infantry Division sa mga naging biktima ng disinformation ng BIFF na magbalik-loob sa pamahalaan at talikdan ang armadong pakikibaka.

Facebook Comments