Higit 80,000 na halaga ng Pera, Tumilapon sa Kalsada

19
Cauayan City, Isabela- Umulan ng nasa tinatayang mahigit walumpong libong piso ng pera matapos mahulog ang isang pitaka ng motorista kaninang umaga, Setyembre 13, 2022 sa Brgy. Macate, Bambang, Nueva Vizcaya.

Ayon sa isang opisyal ng barangay, mabilis umano ang patakbo ng isang lalaking nakamotorsiklo nang malaglag ang wallet nito at nagliparan ang lamang pera.

Sinubukan pa na businahan ng isa pang motorista ang may-ari subalit nagdire-diretso ito sa pagmamaneho.

Dahil sa insidente, nagtulungan ang mga tao sa lugar na pulutin ang pera hanggang sa matunton ang may-ari ng pera na si Newel Andre Bag-Iga mula sa Baguio City matapos itong tawagan sa kanyang personal number.

Nabatid na patungo sa Isabela ang biktima upang bumili ng motorsiklo subalit hindi inakala na malalaglag ang pera.

Ipinagpapasalamat pa rin ng biktima na naibalik ang nasa 71,800 na pera nito.

Facebook Comments