Thursday, October 22, 2026

Rep. Legazpi, binigyang-katwiran ang kanyang paninindigan laban sa Chinese ambassador

Pinanindigan ni Pinoy Workers Representative Karl Fernandez Legazpi ang kanyang pakikiisa sa mga panawagan na ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan.

Sinabi ito ni Legazpi matapos syang isama sa listahan ng Chinese Embassy ng mga personalidad na bawal papasukin sa China, Hongkong at Macau.

Ayon kay Legazpi, handa syang harapin ang kapalit ng kanyang paninindigan laban sa pahayag ni Ambassador Jing na tiyak ang tagumpay ng China kapag gumamit sila ng pwersa kaugnay sa territorial despute sa West Philippine Sea.

Ayon kay Legazpi, hindi sya naghahangad ng gyera pero kailangan nyang magsalita at tumindig para sa kanyang mga kababayang Palaweños at mga mangingisdang Pilipino na patuloy na ginigipit at binubully ng mga Chinese Vessel sa mismong karagatan natin.

Nilinaw din ni Legazpi na wala syang masamang saloobin sa mga Chinese at sa kanilang kasaysayan at kultura na kanyang hinahangaan.

Pero diin ni Legazpi, hindi naman sya pwedeng manahimik sa harap ng paninindak sa ating mamamayan o kahit pa sa mamamayan ng China.

Bunsod nito ay umaasa si Legazpi na ikakarangal ng kanyang mga anak ang kanyang pagpili na maging makabayan kahit katumbas nito ay pagkawala ng ilang prebelihiyo o ginhawa.

Facebook Comments