Higit 92-M na halaga ng Marijuana, Sinira sa Kalinga

29
Cauayan City, Isabela- Umabot sa mahigit P92 milyon ang kabuuang halaga ng sinirang tanim na marijuana sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa ilang lugar ng lalawigan ng Kalinga nitong Hulyo 18-23 ngayong taon.

Batay sa report ng Kalinga Police, unang nadiskubre ang 20 taniman sa apat na barangay sa bayan ng Tinglayan.

Umabot naman sa 444,900 piraso ng marijuana plants ang binunot at sinunog kabilang ang 30 kilo ng marijuana dried leaves, isang kilong marijuana seeds mula sa 20 plantation sites sa magkakahiwalay na lugar.

Sinalakay rin ang anim na taniman sa Brgy. Tulgao West, Brgy. Buscalan at ang limang plantasyon sa Brgy. Butbut Proper.

Wala namang naarestong suspek ang pulisya na nangakong paiigtingin pa ang anti-drug operation sa lalawigan.

Facebook Comments