Leyte Rep. Martin Romualdez, idineklara nang Speaker ng 19th Congress

75

Pormal nang naupong House Speaker ng 19th Congress si Leyte Rep. Martin Romualdez.

Sa botong 283 na pabor ay mas pinili ng mayorya ng mga kongresista si Romualdez bilang lider ng Mababang Kapulungan.

Mayroon namang 22 hindi nakaboto, 4 abstain, 1 negative vote.


Ang 4 na nag-abstain ay sina Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, ACT-TEACHERS Partylist Rep. France Castro, Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel at OFW Partylist Rep. Marissa del Mar-Magsino.

Agad namang nakapanumpa si Speaker Romualdez kung saan kasama niya ang mga miyembro ng kanyang pamilya.

Mula 14th hanggang 19th Congress, si Romualdez ay kinatawan ng Unang Distrito ng Leyte sa Kamara.



Noong nakalipas na 18th Congress o 2019 hanggang 2022, siya ay nagsilbing House Majority Leader.

Samantala, nanumpa na rin sa harap ni Speaker Romualdez ang mga kongresista ng 19th Congress.


Facebook Comments