LRT 2, MRT 3, may alok na free ride ngayong Labor Day

May alok na free ride ang Light Rail Transit Line 2 at Metro Rail Transit 3 para sa mga manggagawa ngayong Labor Day.

Special treat ito ng pamahalaan bilang pasasalamat sa ambag ng mga manggagawa sa bansa.

Epektibo ang libreng sakay ng LRT-2 at MRT-3 mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.


Kinakailangan lamang magpakita ng company ID o government-issued ID upang ma-avail ang libreng sakay.

Facebook Comments