HIGIT P200M FLOOD CONTROL PROJECT SA REINA MERCEDES, NATAPOS NA

CAUAYAN CITY- Natapos na ng Department of Public Works and Highways – Isabela 3rd District Engineering Office (DPWH-ITDEO) ang konstruksyon ng Magat River Flood Control Project sa Barangay Mallalatang Grande, Reina Mercedes, Isabela.

Ang proyekto ay may habang 1,294 linear meters at hinati sa tatlong yugto ng konstruksyon na may kabuuang pondong P242.1M.

Ito ay binubuo ng kongkretong revetment sa mga steel sheet piles, na idinisenyo upang maiwasan ang pag-apaw ng ilog at maprotektahan ang mga kalapit na kabahayan, sakahan, at imprastraktura laban sa pagbaha.

Pinondohan ito sa ilalim ng General Appropriations Act of 2024, na nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno sa pagpapatibay ng imprastraktura upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan sa lugar.

Facebook Comments