Naging mapayapa at maayos ang paggunita ng Undas 2026 sa buong lalawigan ng Pangasinan, ayon sa Pangasinan Police Provincial Office.
Iniugnay ng pulisya ang maayos na obserbasyon sa pinaigting na seguridad at koordinasyon ng mga tauhan ng PNP, force multipliers, mga lokal na pamahalaan at katuwang na ahensya.
Ayon sa PANG PPO, idineploy ang pulisya sa mga sementeryo, memorial park, terminal ng transportasyon, pangunahing lansangan at iba pang pampublikong lugar.
Sa kabila ng dagsa ng mga tao sa iba’t ibang lugar, nanatiling maayos ang paggunita sa Undas sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








