Ilan sa mga estudyante sa Dagupan City ang humiling ng karagdagang sports equipment at learning facilities upang mas mapabuti ang kanilang mga aktibidad sa paaralan.
Kabilang sa mga inilapit na pangangailangan ng mga student leader ng General Gregorio Del Pilar Elementary School ang mga net at racket para sa badminton at tennis, kagamitan para sa volleyball at basketball, chess boards, at mini gymnasium para sa mga gawaing pangkalusugan at ehersisyo.
Personal namang binisita ni Mayor Belen T. Fernandez ang paaralan upang makita at talakayin ang mga concern na unang inilahad ng mga mag-aaral sa SELG/SSLG Summit. Kasama niya ang mga opisyal ng Supreme Elementary Learner Government (SELG) at kanilang adviser.
Bukod sa mga kagamitang pampalakasan, hiniling din ng mga estudyante ang karagdagang mga aklat para sa library, computer, printer at Smart TV, gayundin ang pagpapabuti ng kanilang care center. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










