Higit P62-M halaga ng Marijuana, Sinira sa Kalinga at Benguet

25
Cauayan City, Isabela-Mahigit P62-M na halaga ng marijuana ang sinira ng mga awtoridad sa kanilang ginawang operasyon sa mga lalawigan ng Kalinga at Benguet.

Ayon sa report ng PNP, nadiskubre ng operatiba ang labing-anim na plantasyon ng marijuana sa Brgy. Buscalan, Brgy. Butbut Proper, at Brgy. Loccong sa Tinglayan, Kalinga.

Sinira ng mga pulis ang mahigit 310,000 piraso ng fully grown marijuana plants na may halagang P62-M.

Habang pinagsisira rin sa Kibungan, Benguet ang tanim na marijuana at dried marijuana stalks na may halagang P376,000.

Wala namang nahuling suspek sa malawak na taniman ng marijuana kasabay ng kanilang naging operasyon.

Facebook Comments