Hindi pagtestigo sa impeachment trial, desisyon mismo ni dating Sen. Trillanes

Pinal na ang pasya kaya hindi na magbabago at hindi na babawiin pa ng House Prosecution Panel ang pag-atras kay dating Senator Antonio Trillanes IV bilang testigo sa ikalawang Article of Impeachment patungkol sa hindi maipaliwanag na yaman ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House Lead Prosecutor at Batangas Representative Gerville Luistro, si Trillanes mismo ang humiling na huwag na siyang ipresenta bilang testigo sa impeachment trial kaya mainam na ito na lang ang tanungin.

Aminado si Luistro na noon pa nila pinag-aaralan kung mananatili o aalisin na si Trillanes bilang testigo dahil sa dami ng kanilang mga testigo at dami rin ng mga dokumento na kailangang ipresenta sa paglilitis.

Paliwanag ni Luistro, may ibang mga miyembro ng prosekusyon ang nasorpresa ng ito ay ihayag niya kanila sa trial dahil kanila lang nila ito naisapinal.

Sa post naman ni Trillanes sa X ay sinabi nitong ni-request niya kay Luistro na pormal na bawiin ang kaniyang pangalan bilang testigo upang maibsan ang pressure na pinagdadaanan ng prosekusyon.

Sabi ni Trillanes, magsasagawa na lang siya ng pulong balitaan bukas para ipresenta ang lahat ng kaniyang ilalabas sana sa impeachment trial.

Una rito ay sinabi rin ni Trillanes sa hiwalay na post sa X na may mga bago at mabibigat siyang mga ebidensya na ilalabas laban kay VP Duterte.

Facebook Comments