Wednesday, July 22, 2026

Hirit ng OVP na sagutin ng Senado ang gastos sa catering ng defense team, staff at mga testigo sa panahon ng impeachment trial, medyo funny at improper

Medyo funny para kay House Senior Deputy Speaker at Iloilo Rep. Janette Garin ang hiling ng Office of the Vice President (OVP) na sagutin ng Senado ang gastos sa pagkain, mga inumin at catering service para sa defense team, support staff at mga testigo sa panahon ng impeachent trial.

Sabi ni Garin, hindi pa niya nababasa ang sulat hinggil dito na pirmado ni Vice President Sara Dutete pero sa tingin niya ay highly improper o hindi nararapat na Senado ang babalikat sa mga gastusin nito.

Katwiran ni Garin, karapatan naman ito ng Office of the Vice President (OVP) pero may opisina naman si VP Duterte kaya sila na ang dapat gumastos sa pagkain habang tumatakbo ang paglilitis.

Paliwanag ni Garin, ang Senado ay tumatayong impeachment court kaya baka magkaroon ng kahulugan na ang request ng OVP ay hindi pagrespeto sa korte.

Dagdag pa ni Garin, nakakainsulto din para sa Senado na pagdududahan pa na baka hindi ligtas ang kanilang ipapakain kung hindi ito pinili ng OVP.

Facebook Comments