Monday, October 26, 2026

House Appropriations Committee, humihiling ng detalye sa umano’y mga farm-to-market road project sa ilalim ng 2027 budget na nasa mga dagat ang lokasyon

Nananawagan ang House Committee on Appropriations sa People’s Budget Coalition na magbigay ng listahan ng mga isiniwalat nilang farm-to-market road project na nagkakahalaga ng P55 milyon, ngunit pawang nasa mga dagat ang lokasyon.

Sa tingin ng Vice Chairperson ng komite na si Bataan Rep. Albert Raymund Garcia, maaaring nagkaroon lamang ng mga typographical error dahil sa sobrang kapal o dami ng mga dokumento kaugnay ng pambansang budget.

Binanggit ni Garcia na karamihan sa mga farm-to-market road project ay vina-validate ng mga provincial at municipal agriculturist at mga regional office ng Department of Agriculture (DA), kaya posibleng nagkaroon lamang ng pagkakamali sa coordinates kaya napunta sa tubig ang proyekto.

Bunsod nito, binigyang-diin ni Garcia na mas mainam kung makapaglalabas ng detalyadong impormasyon ang People’s Budget Coalition para ma-validate ang mga nabanggit na proyekto.

Sabi ni Garcia, sa ganitong paraan ay matutukoy nila kung may mga pagkakamaling dapat itama.

Facebook Comments