Monday, October 26, 2026

Ombudsman, bubuo ng grupong magbabantay sa national budget

Sinimulan na ng Office of the Ombudsman ang tinatawag na “Budget Watcher” upang bantayan ang proseso ng pagbuo ng pambansang budget.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, bubuo rin sila ng grupong susuri sa desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng 2024 at 2025 national budgets, pati ilang probisyon ng 2026 budget, upang matukoy ang posibleng pananagutan ng mga sangkot.

Matatandaang idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang 2024 at 2025 national budgets dahil sa pagdagdag ng Kongreso ng pondong lumampas sa panukala ng Pangulo.

Pinawalang-bisa rin ang ilang probisyon sa unprogrammed funds ng 2026 budget.

Napuna rin ng Korte ang paggamit sa unprogrammed funds bilang lagakan ng pondo para sa mga proyektong gaya ng flood control.

Binigyang-diin ng Korte Suprema na maaari pa ring managot sa kasong kriminal, sibil o administratibo ang mga responsable sa mga kuwestiyonableng probisyon.

Facebook Comments