Monday, October 26, 2026

‘Impeachment fatigue’, isa sa mga dahilan ng pag-atras ng prosekusyon ng tatlong articles of impeachment

Ang ‘impeachment fatigue’ o bumabang interes ng publiko sa impeachment ang isa sa mga dahilan ng House Prosecution Panel sa pag-atras sa tatlong articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Pahayag ito ni House Lead Prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro makaraang lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na 42% lang ng mga Pilipino ang sumusubaybay sa impeachment trial.

Sabi ni Luistro, mas mababa ito sa 47% na sumubaybay noon sa impeachment trial kay dating Pangulong Joseph Estrada at sa 52% at 54% na tumutunghay sa trial ni dating Chief Justice Renato Corona.

Sabi ni Luistro, pagod at inip na ang mga Pilipino kaya ini-atras na nila ang mga alegasyon maling paggamit ng confidential funds, pagsuhol sa mga opisyal ng Department of Education (DEPED) at pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kaniyang pamilya.

Tiwala naman si Luistro na patuloy na makakakuha ng atensyon ng taumbayan ang natitirang article of impeachment patungkol sa hindi maipaliwanag na yamam ni VP Duterte na hindi idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Facebook Comments