Monday, October 5, 2026

House prosecution panel, inaasahang ilalaglag na ang article of impeachment patungkol sa bribery

Posibleng pormal na ihayag sa impeachment trial ngayong araw ng House prosecution panel ang paglaglag sa ikatlong article of impeachment kung saan nakapaloob ang alegasyong bribery laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House Lead Prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro, siya ang maghahayag sa Impeachment Court ng kanilang position ukol sa Article 3.

Binanggit ni Luistro na anuman ang kanilang pasya kaugnay sa Article 3 ay nakabatay sa kanilang responsibilidad na maglatag ng mga ebidensyang susuporta sa mga akusasyon laban kay VP Duterte.

Diin ni Luistro na malalakas ang mga ebidensya na kanila nang nailatag sa Impechment Court patungkol sa mga alegasyong pinagbantaan ni VP Sara ang buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kanyang pamilya gayundin ang alegasyon inabuso nito at ginamit ng mali ang confidential funds.

Ngayon naman ay nagpapatuloy pa ang presentation ng prosecution sa article 2 patungkol sa hindi maipaliwanag na yaman ni VP Sara na hindi rin idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.

Facebook Comments