SP Win Gatchalian, nilinaw na walang pagharang na nangyari sa hindi pagtestigo ni dating Senator Antonio Trillanes IV sa impeachment trial ni VP Sara Duterte

Nagpaliwanag si Senate President Sherwin Gatchalian na walang pagharang na nangyari sa planong pagtestigo ni dating Senator Antonio Trillanes IV sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Paliwanag ni Gatchalian, sariling desisyon ng prosekusyon na hindi ipaharap si Trillanes.

May diskresyon aniya ang prosekusyon na ipaharap si Trillanes bilang testigo kahit wala itong subpoena mula sa impeachment court at kailangan lang maabisuhan ang depensa para makapaghanda sa cross examination.

Sinabi ni Gatchalian na kinonsulta ni Impeachment Court presiding officer Chiz Escudero ang mga senator-judges sa mahahalagang desisyon sa paglilitis.

Sa kabilang banda, sinabi ni Gatchalian na ang mga ibinulgar ni Trillanes tungkol sa umano’y mga transaksyon at perang nagmula sa China ay maaaring magbigay ng mga bagong lead sa imbestigasyon.

Pero giit niya, kailangang ma-validate at makumpirma muna ang mga dokumento bago ito ituring na matibay na ebidensya sa impeachment trial.

Facebook Comments