HULICAM | Babaeng nakunan sa CCTV na nananakit ng bata, kinasuhan na

Manila, Philippines – Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang isang babae matapos saktan ang dalawang bata na kaniyang kapitbahay sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakilala ang babae na si Christine Joyce Ubaldo.

Batay sa kuha ng CCTV nitong Mayo, makikita si Ubaldo na tila binuhat sa leeg ang isang batang lalaki gamit ang kaniyang braso at sinampal pagkababa nito.


Tila inaawat pa ng kalaro ng bata si Ubaldo at inasar-asar pa ito.

Kaya hinabol siya ng babae at nang madapa ito ay hinatak siya nito sa braso nito at sinipa at sinampal.

Itinanggi naman ng ina ni Ubaldo na si baby na nagtatago ang kaniyang anak.

Base naman sa imbestigasyon ng Manila Social Welfare Development (MSWD), lumalabas na naunang nagkainitan ang ina ng isa sa mga bata at si Ubaldo nang magkasagian sila sa palengke.

Sinampahan ng reklamo ng mga magulang ng dalawang bata si Ubaldo at inilabas na rin ang warrant of arrest sa kanya sa kasong child abuse.

Facebook Comments