PINABULAANAN | Malacañang, itinangging isinugod sa pagamutan si PRRD

Manila, Philippines – Itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isinugod sa pagamutan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng hindi pagdalo ng Pangulo sa isang pagtitipon ng PAGCOR sa MalacaƱang.

Sabi ng isang opisyal mula sa Palasyo, natuloy pa rin ang kaganapan kung saan ay nag-turn over ng tseke ang PAGCOR sa MalacaƱang.


Si Executive Secretary Salvador Medialdea ang kumatawan sa Pangulo sa pagtitipon.

Tiniyak naman ni Special Assistant to the President Cristopher “Bong” Go na makikita ng publiko ang Pangulo ngayong Huwebes.

Nakapila aniya sa schedule ng Pangulo ngayong araw ang iba’t-ibang kaganapan at pagpupulong na gagawin sa MalacaƱang.

Facebook Comments