Friday, October 30, 2026

Mga bibisita sa Manila North Cemetery na nakumpiskahan ng mga dalang ipinagbabawal na gamit, maaari pa rin mabawi

Binigyan ng pagkakataon ang publiko na maibalik pa ang mga iponagbabawal gamit na nakumpiska sa entrance ng Manila North Cemetery.

Ilan sa mga ito ay mga panlinis tulad ng walis tingting, spatula, brush at mga pintura.

Base sa force multipliers na nagbabantay sa entrance, iiwanan ang mga nasabing gamit saka bibigyan ng stub o number ang mga bibisita kung saan paglabas nila ay makukuha na muli nila ito.

Matatandaan noong nakaraang taon, tanging mga pabango at vape lamang ang maaaring mabawi at lahwt ng ipinagbabawal ay kinukumpiska na ng tuluyan.

Sa datos mula sa command center ng MPD, nasa halos 1,000 ang tinatayang bilang ng mga bumibisita sa Manila North Cemetery mula yan kaninang alas-8:00 ng umaga.

Halos lahat naman ay maaaring maka-avail ng libreng sakay habang ang mga may kasamang bata ay inoobliga na dumaan at palagyan ng wrist tagging ang mga bata para sa kanilang kapakanan at kaligtasan.

Inaasahan naman ng pamunuan ng Manila North Cemetery at MPD na mamayang hapon ay tataas na ang bilang ng mga bibisita kung kaya’t patuloy silang nakamonitor sa sitwasyon.

Facebook Comments