Friday, May 8, 2026

HUNDRED ISLANDS, HANDA NA SA PAGDATING NG INTERNATIONAL CRUISE TOURISM SA 2027

Nagsagawa ang Alaminos City Tourism and Cultural Affairs Office (ACTCAO) ng ocular inspection at coordination meeting bilang paghahanda sa inaasahang pagdating ng international cruise ships sa 2027, kung saan opisyal na isinama ang Hundred Islands National Park sa mga port of call ng Compagnie du Ponant Cruise Lines.

Bahagi ng paghahanda ang pakikipag-ugnayan sa mga partner agencies at cruise operations stakeholders upang matiyak ang kahandaan ng destinasyon sa pagtanggap ng mga dayuhang bisita.

Katuwang sa isinagawang aktibidad ang TravelPeople Ltd., Inc., Wallem Philippines, at Intercruises, kasama ang mga eksperto sa cruise operations at destination services.
Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan at sa suporta ng Department of Tourism Region 1, sinuri ang mga pasilidad at operational readiness ng lugar upang masiguro ang maayos, ligtas, at dekalidad na karanasan para sa mga darating na turista.

Ayon sa mga opisyal, ang hakbang ay patunay ng patuloy na pagpapalakas ng turismo sa lungsod at ng layunin nitong ipakita sa pandaigdigang merkado ang likas na ganda at yamang pangkalikasan ng Hundred Islands National Park.

Itinuturing ang aktibidad bilang mahalagang hakbang sa pagbubukas ng mas malawak na oportunidad para sa turismo, lokal na ekonomiya, at internasyonal na pagkilala sa destinasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments