Wednesday, July 29, 2026

Taga Senate Minority Bloc, nakiusap na huwag nang ituloy ang flood control scam investigation

Isiniwalat ni Senator Erwin Tulfo na nakikiusap ngayon ang taga Senate Minority bloc na huwag nang ituloy ang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa maanomalyang flood control projects.

Sinabi ni Sen. Erwin, Chairman ng Blue Ribbon, na real-talk na ito pero tumanggi siyang magbigay ng pangalan kung sino ang kumausap para huwag nang ipagpatuloy ang imbestigasyon.

Nang matanong kung ano ang dahilan, sagot ni Tulfo na “obvious” at ewan kung sinong pinapaimbestigahan na tinukoy ni Sen. Ping Lacson.

Pinayuhan niya ang taga minorya na magpaliwanag sa publiko at sa media sa pagtutol sa resumption ng imbestigasyon lalo’t sila naman ang paulit-ulit na nanghihingi nito.

Sa ngayon, ikinukunsidera ni Tulfo na itakda ang pagdinig sa susunod na linggo kapag nakumpleto na ang miyembro ng Blue Ribbon Committee.

Facebook Comments